Mabuhay ka, mahal naming Paaralan!
Kami’y nagpupugay
Sa iyong dakilang Pangalan
Na sagisag ng pag-asa’t tagumpay
Tunay kang pinagpipitagan naming mga mag – aaral
Dunong mo’y patnubay
Sa aming mga hinahangad
Liwanag mo’y aming tanglaw
Papuri at Pasasalamat sa ‘yong kabutihan
Handog nami’y dangal
Tulong sa kabataan
Katuparan ng aming mga pangarap
Mabuhay ka, mahal naming Paaralan!
Kami’y nagpupugay
Bukal ka ng paglilingkod at kagalingan
Huwaran kang tunay
Saan man naroroon
Ika’y aming ikarangal
Dakilang Paaralan
No comments:
Post a Comment